PH Navy, tutulong sa paghahatid ng bilanggo sa Iwahig Penal Colony

PH Navy, tutulong sa paghahatid ng bilanggo sa Iwahig Penal Colony

TINIYAK ng Philippine Navy na tutulong sila sa paghahatid ng daan-daang persons deprived of liberty (PDLs) mula sa New Bilibid Prison patungong Iwahig Prison and Penal Farm (IPPF) sa Palawan.

Ito’y kasunod ng pagbisita ni Bureau of Corrections (BuCor) Director General Gregorio Catapang, Jr. kay Philippine Navy flag-officer-in-command Vice Admiral Toribio Adaci, Jr. sa Philippine Navy Headquarters sa Maynila.

Tinalakay ni Catapang kay Adaci ang plano niyang pagtatatag ng agro-aqua industrial food production hub sa IPPF.

Sa pamamagitan nito, mabibigyan ng pagkakataon ang mga PDL na maging aktibo sa farming activities at environmental protection.

Agad na pinasalamatan ni Catapang na dating chief of staff ng Armed Forces of the Philippines (AFP) si Adaci sa kaniyang suporta at binati rin sa ika-125 anibersaryo ng Philippine Navy ngayong buwan.

 

Follow SMNI NEWS in Twitter