Physical distancing, susubukang ipatupad ng PNP sa Pista ng Itim na Nazareno

Physical distancing, susubukang ipatupad ng PNP sa Pista ng Itim na Nazareno

TARGET ng Philippine National Police (PNP) na baguhin ang nakasanayang Traslacion sa Pista ng Itim na Nazareno ngayong taon.

Plano ng PNP magpatupad ng physical distancing sa naturang taunang aktibidad sa Maynila.

Dulot ng pandemya sa nakalipas kaya hindi naisagawa ang mga regular na aktibidad sa naturang kapistahan.

Ayon kay PNP-PIO chief PCol. Jean Fajardo, ang planong pagpapatupad ng physical distancing ay bahagi ng napag-usapan sa katatapos lang na final coordinating conference.

Paliwanag nito na ang nabanggit na plano ay upang magbigay daan sa mga magpapatrolyang pulis sa kasagsagan ng misa.

“Ia-attempo po natin na napag-usapan during the final coordinating conference is susubukan po natin mag-implement po ng physical distancing doon po sa controlled areas fronting po ng Quiapo Church para kahit paano po ay merong madadaanan ang ating moving PNP personnel to make sure na habang nagmimisa po ay maging safe and secure pa rin po ang ating mga kababayan natin na inaasahan natin na dadagsa dahil 3 or 4 years ngayon lang po uli magkakaroon ng Traslacion,” pahayag ni PCol. Jean Fajardo, PIO Chief, PNP.

Bagama’t hindi nagbago ang ruta na dadaanan ng Itim na Nazareno, sinabi rin ng tagapagsalita ng PNP na magpapakalat din ang kapulisan ng aabot sa 15,000 pulis na magbabantay sa ruta na dadaanan ng Itim na Nazareno.

“We are prepared to deploy around 15,000 kung saka-sakali po ay magkakaroon magka-conduct tayo ng lift praging, kung saan kung tapos na po doon sa isang area ay pu-pwede po tayong mag-adjust ng deployment para dadalhin naman po sila sa mga susunod na ruta na dadaanan so kagaya ng nabanggit natin before ‘yung ruta po na ginamit noong 2020 according po ng district director ng MPD ay ‘yun pa rin po ang susundan alam na natin ang magiging buhos ng trapiko,” dagdag ni Fajardo.

Maliban dito, bilang bahagi ng seguridad ay ipatutupad ng PNP ang pagbabawal sa ilang mga kagamitan na hindi maaaring dalhin sakaling sasama sa Traslacion.

“As part of our security preparation ay mag-i-implement nga po tayo ng prohibition particularly doon sa mga prohibited items po,” aniya pa.

Kaugnay naman sa paggamit ng signal jammer, sinabi nito na kung mayroon silang masagap na banta sa seguridad bago ang araw ng Traslacion ay saka pa sila gagamit ng signal jammer o di naman kaya’y depende sa kung ano ang kalalabasan ng security assessment.

“Napag-usapan na po ‘yan at sinabi nga ng ating Chief PNP, he will be relying doon sa magiging security threat assessment ng ating mga tauhan on the ground depende sa kung meron po tayong mare-receive na mga information that would somehow hamper po ang safe and secure po ng conduct po ng Traslacion but for now hindi pa po napagdedesisyonan ‘yan but if sa crisis na kailangan po natin yan,” aniya.

Sa ngayon ayon sa opisyal ay wala pa naman silang namo-monitor na banta sa seguridad ilang araw bago ang Traslacion.

 

Follow SMNI NEWS in Twitter

Follow SMNI News on Rumble