Pilipinas, kulelat sa foreign investment destination sa Asian Region sa kabila ng foreign trips ni PBBM—GOI

Pilipinas, kulelat sa foreign investment destination sa Asian Region sa kabila ng foreign trips ni PBBM—GOI

NANANATILING kulelat ang Pilipinas pagdating sa usapin ng investment destination.

Ito nga’y kahit kabi-kabilaan pa ang foreign trips ni Pangulong Ferdinand R. Marcos Jr., para humatak ng maraming mamumuhunan sa bansa.

Base sa ulat ng Global Opportunity Index (GOI) ng Milken Institute nitong Marso, nasa ika-91 rank ang Pilipinas sa global ranking na bahagyang mas mataas ng dalawang puntos kumpara sa Cambodia na panghuli sa top 10 emerging and developing countries sa Asia Region.

Sa mga biyahe ng Pangulo sa labas ng bansa, iniuulat nito ang bilyun-bilyong piso na halaga ng investment pledges subalit ipinaliwanag ng ekonomistang si Dr. Michael Batu ang tila magkasalungat na resulta.

Kabilang pa aniya sa inaayawan ng mga namumuhunan ang mataas na singil sa kuryente at maging ang pabago-bagong polisiya ng pamahalaan.

Isa nga sa mga ikinababahala ng Federation of Filipino Chinese Chambers of Commerce & Industry, Inc. (FFCCCII) ay ang paglala ng tensiyon sa West Philippine Sea na makaaapekto umano sa potential investors.

Maliban dito, isa rin aniya sa nakakahadlang ng mga investor ang pabago-bagong sagot ng mga kinauukulang government agency at ang mataas na buwis na ipinapataw.

Samantala, kaugnay sa plano ng Kongreso na amyendahan ang Saligang Batas na may kinalaman sa economic provision, sinabi ni Batu na hindi na ito kailangan.

Sa ngayon, lusot na sa ikatlo at huling pagbasa sa Kamara ang Resolution of both Houses No. 7 o ang Economic Cha-cha.

 

Follow SMNI NEWS on Twitter