NAKATAKDANG lumagda ang Pilipinas sa isang $1B loan agreement mula sa World Bank ngayong Hulyo para sa pagpapalakas ng sektor ng agrikultura.
Gagamitin ito para sa Sustainable Agricultural Transformation Program ng Department of Agriculture (DA), na partikular na tututok sa pagpapalakas ng sektor ng pangisdaan sa pamamagitan ng targeted support sa agri-food systems.
Kasama rin dito ang mga estratehiyang tumutugon sa pagbabago ng klima.
Kapag nalagdaan na ang kasunduan at nakuha na ang pondo, tuluyan nang mailulunsad ang programa sa Agosto.