Pilipinas, nais mag-export ng kalamansi sa China—PH Envoy

Pilipinas, nais mag-export ng kalamansi sa China—PH Envoy

GUMAGALAW na ngayon ang pamahalaan para makapagbenta pa ng mas maraming agricultural products sa China.

Sa eksklusibong panayam ng SMNI News, sinabi ni Philippine Ambassador to China Jaime FlorCruz na tinatrabaho na nila ngayon ang kalamansi exports sa China.

Laman ng bakurang Pinoy ang kalamansi dahil sa kakayahang tumubo sa iba’t ibang weather conditions.

Bukod dito, binanggit din ni FlorCruz na kanilang sinusubukan ding magpadala ng coconut products sa China.

‘’Gusto rin po nating pumasok sa Calamansi, yung Coconut natin at iba pang mga produktong Pilipino,’’ saad ni FlorCruz.

Batay sa datos mula sa Philippine Statistics Authority, nasa 12.78 thousand metric tons ang calamansi production sa bansa mula Enero hanggang Marso ngayong taon.

Ang CALABARZON ang may pinakamataas na produksiyon na may 2.40 libong metriko tonelada.

Katumbas ito ng 18.8% ng kabuuang produksiyon ng kalamansi sa nasabing kwarter.

Sumunod ang Gitnang Luzon na may 14.7%, at Davao Region na may 13.2% production share.

Nauna nang nag-export ng durian ang Pilipinas sa China at palalawigin ito sa iba’t ibang produkto.

Follow SMNI NEWS on Twitter