Pinakamalaking provider ng district cooling system sa Qatar, hinihikayat mamuhunan sa Pilipinas

Pinakamalaking provider ng district cooling system sa Qatar, hinihikayat mamuhunan sa Pilipinas

HINIHIKAYAT ni Department of Trade and Industry (DTI) Secretary Alfredo Pascual ang Qatar Cool (QC) na mamuhunan sa Pilipinas.

Ang Qatar Cool ang pinakamalaking provider ng district cooling system sa bansang Qatar kung saan nag-aalok ng mas cost-effective at energy-efficient na sistema na alternatibo sa tradisyunal na air conditioning system.

Sa pakikipagpulong si Sec. Pascual sa chief executive officer at commercial and finance director ng Qatar Cool, binigyang-diin nito ang kahalagahan ng energy-efficient projects para makamit ang sustainability goals ng Pilipinas.

Nabanggit din nito na ninanais makamit ng bansa ang 20 percent na pagbabawas sa paggamit ng enerhiya sa 2030.

Kaya naman, sinabi nito sa Qatar Cool na mas tingnan pa ang mga oportunidad na mamuhunan sa Pilipinas partikular na sa high-density areas na nasa labas ng Metro Manila.

Posible rin aniyang makikipag-participate sa mga large-scale infrastructure projects ang Qatar Cool tulad sa New Manila International Airport at Ninoy Aquino International Airport na kailangan ng sufficient cooling.

 

Follow SMNI NEWS in Twitter

Follow SMNI News on Rumble