PNP, nakatanggap ng intel report sa balak na panggugulo ng mga grupo sa inagurasyon ni PBBM

PNP, nakatanggap ng intel report sa balak na panggugulo ng mga grupo sa inagurasyon ni PBBM

NAKATANGGAP ang Philippine National Police (PNP) ng intelligence report na may mga grupong nagbabalak na magsagawa ng kilos-protesta sa inagurasyon ni President-elect Ferdinand “Bongbong” Marcos Jr. sa Hunyo 30.

Ito ang iginiit ni PNP OIC LtGen. Vicente Danao Jr. matapos ang ginawang inspeksyon sa National Museum.

Ayon kay Gen. Danao nasa 7,000 pulis ang kanilang ide-deploy para sa seguridad ni President-elect Marcos at ng mga dadalo sa aktibidad.

Nakahanda na aniya ang PNP sa anumang magaganap ng kilos-protesta mula sa iba’t ibang grupo.

Bagama’t pinapayagan ang pagsasagawa ng kilos-protesta, mainam aniya kung malayo ito sa lugar na paggaganapan ng inagurasyon.

Follow SMNI NEWS in Twitter