PNP, nanindigang ipatutupad ang warrant of arrest laban kay Sen. Bato dela Rosa

PNP, nanindigang ipatutupad ang warrant of arrest laban kay Sen. Bato dela Rosa

Tiniyak ng Philippine National Police (PNP) na ipatutupad nito ang anumang legal na utos ng korte, kabilang ang warrant of arrest laban kay Senator Ronald “Bato” dela Rosa, alinsunod sa batas at tamang proseso.

Sa isang pahayag, sinabi ni PNP Chief Police General Jose Melencio C. Nartatez Jr. na obligasyon ng pulisya na ipatupad ang warrant of arrest na legal na inilabas ng may kapangyarihang hukuman.

Binigyang-diin ni Nartatez na isasagawa ito alinsunod sa umiiral na mga batas at tamang proseso, habang tinitiyak na napangangalagaan ang due process at constitutional right ng senador.

 “The execution of a duly issued warrant of arrest is a legal obligation, not a matter of personal discretion or political consideration,” ayon kay PGen. Jose Melencio C. Nartatez Jr., PNP Chief.

Iginiit din ng PNP chief na hindi sila magpapadaig sa anumang pressure o impluwensiya ng mga personalidad sa pagtupad ng kanilang sinumpaang tungkulin.

“We will enforce the law without fear or favor. No position, influence, or personal affiliation places anyone above the law,” dagdag nito.

Sa kabila nito, binigyang-diin ng PNP na dapat manatiling alinsunod sa batas at Konstitusyon ang anumang hakbang sa pagpapatupad ng warrant of arrest laban sa senador.

Follow SMNI NEWS in Twitter