POC, planong magkaroon ng 1,200-man delegation para sa 32nd SEA Games

POC, planong magkaroon ng 1,200-man delegation para sa 32nd SEA Games

MAKIKIPAGPULONG ang Philippine Olympic Committee (POC) sa Philippine Sports Commission (PSC) upang simulan ang paghahanda ng bansa para sa 32nd Southeast Asian Games (SEA Games) sa Cambodia sa May.

Ayon kay Basketball Association Head Chito Loyzaga, Team Philippines’ Ched de Mission ng SEA Games, umaasa silang opisyal na silang makapagpulong kasama ang PSC sa Miyerkules sa susunod na linggo upang masimulan na ang delegasyon.

Tinalata ni POC President Rep. Abraham “Bambol” Tolentino si Deputy Secretary General Bones Floro upang makipagpulong kay PSC Chairman Richard “Dickie” Bachmann.

Ang SEA Games ngayong taon ay mayroong 608 events sa 45 sports na higit na mas malaki sa 530 events sa 56 sports noong 2019 na idinaos ng Pilipinas at 526 events at 40 sports na isinagawa sa Vietnam noong nakaraang taon.

At dahil dito, sinabi ni Loyzaga na magkaroon ng 800-athlete delegation at kabuoang 1,200 delegation kabilang na ang mga coach, medical at administrative staff.

 

 

Follow SMNI News on Twitter