Pork vendors, hinimok na bumalik na sa pagtitinda ng baboy

HINIMOK ng Palasyo ng Malacanang ang mga pork vendors na ipagpatuloy ang pagtitinda ng baboy sa kabila ng pagpapatupad ng price cap.

Ito ang pakiusap ni Presidential Spox. Harry Roque kasunod ng ng pagdedeklara ng ilang grupo ng pork holiday.

Ani Roque, hindi pababayaan ng gobyerno ang mga ito ay may mga nakahanda nang hakbang upang matulungan ang mga apektado.

Kabilang na din ang direktang pa source ng gobyerno ng pork products sa mga lugar na hindi natamaan ng ASF at ipakakalat sa mga pamilihan sa Metro Manila.

Sa katunayan aniya mayroon nang 10,000 kada linggo na suplay ng baboy na magmumula sa South Cotabato ang nakatakdang ikalat sa merkado.

Habang tuloy-tuloy na ang pagkilos ng Department of Agriculture upang isaayos ang iba pang panggagalingan ng suplay.

Ayon sa kalihim inaasahan naman na ng gobyerno ang pagkakaroon ng pork holiday bilang tugon sa price cap ngunit giniit nito na kailangan itong maipatupad.

SMNI NEWS