Tatlong administration senatorial aspirants, negatibo sa drug test

NEGATIBO sa drug test ang tatlong administration senatorial aspirants na tumugon sa panawagang drug test para sa lahat ng political aspirants.

Isang urine test ang isinagawa kina Robin Padilla, PACC Commissioner Greco Belgica at former broadcaster Rey Langit na pawang nagnegatibo sa nasabing test.

Personal na nagtungo sa gusali ng PDEA ang tatlong senatorial aspirants.

Kasunod ito ng panawagang dapat sumailalim sa drug test ang lahat ng political aspirants para sa May 2022 elections.

Hakbang ito upang matiyak na hindi sangkot sa iligal na droga ang mga kumakandidato sa susunod na halalan.

Matapos ang eksaminasyon at lumabas na negatibo sa kanilang test, agad namang nagpasaring si PACC Commissioner Greco Belgica, sa kapwa nito kandidato na sumunod sa hamon drug test.

‘’Sa mga naghahamon ng kung anu ano…lalo na ng mga lalaban sa senador,’’ayon kay Greco Belgica.

Para naman sa aktor na si Robin Padilla na isa sa administration senatorial aspirants, para sa isang taong naghahangad ng malinis na halalan at serbisyo sa bayan, mainam rin ang hamon ng drug test upang patunayan na magandang halimbawa ito sa mamamayan.

‘’Matindi po ang paggalang ko sa eleksiyon…kailangan po talaga malinis,’’ayon kay Robin Padilla.

Nauna nang nagnegatibo sa kani kanilang drug test sina Presidential aspirants Bongbong Marcos at Senator Ping Lacson habang nagnegatibo rin as kanyang test si Senator Tito Sotto na tatakbo naman bilang vice president sa susunod na halalan.

SMNI NEWS