Inihayag ni Princess of Wales Kate Middleton ang nalalapit na pagpapalabas ng documentary na Heal, na magbabahagi ng kaniyang karanasan sa cancer diagnosis at recovery upang magbigay ng pag-asa sa mga pasyente.
Layunin ng dokumentaryo na magbigay ng pag-asa at lakas sa mga taong dumaranas ng malubhang karamdaman, kabilang ang pagharap sa diagnosis, proseso ng paggaling, at buhay matapos ang cancer.
Ayon sa prinsesa, nais din nitong isulong ang holistic cancer care na nakatuon sa well-being, resilience, at kalidad ng buhay ng mga pasyente.
Mapapanood ang dokumentaryo sa Australia sa Channel 9, alas-7:30 ng gabi sa Disyembre 1.
Ang malilikom na pondo mula sa proyekto ay mapupunta sa The Royal Marsden Cancer Charity.
