Nadine Lustre, naglabas ng bagong single na “WYD”

Nadine Lustre, naglabas ng bagong single na “WYD”

Muling nagbalik sa musika ang singer-actress na si Nadine Lustre sa pamamagitan ng kaniyang bagong single na “WYD,” na inilabas sa ilalim ng sarili niyang independent label na Cool Girl Records.

Ito na ang ikaapat na independent release ni Nadine matapos ang mga kantang “Personal,” “Donuts” kasama si apl.de.ap, at “10yrs.”

Kasamang sumulat ni Nadine sa awitin ang American singer-songwriter na si Leyla Blue, habang si De’La naman ang producer nito. Tampok sa kanta ang paghahanap ng pansamantalang pagtakas sa problema at sakit ng damdamin, ngunit sa huli ay kailangang harapin ang mga ito.

Mas madilim at melancholic ang tunog ng “WYD,” na naiiba sa ilan sa mga nauna niyang release.

Follow SMNI NEWS in Twitter