PINAG-iingat ng PNP Anti-Cybercrime Group ang publiko laban sa naglipanang e-wallet scam.
Ito ay kasabay ng pinalawig na SIM card registration na sinasamantala ng mga kawatan sa kanilang ilegal na aktibidad.
Ayon kay PNP ACG Director Police Brigadier General Sidney Hernia, lumalabas sa kanilang imbestigasyon na nagpapanggap ang mga scammer na kinatawan ng e-wallet companies o financial institution na nag-aalok ng rewards o discounts.
Sa sandaling makuha umano nila ang mahahalagang impormasyon ay ito ang gagamitin nila para makapag-transfer ng pera sa e-wallet at tuluyang maglaho.
Dahil dito, pinaalalahanan ni Hernia ang publiko na huwag maniwala basta-basta sa mga tumatawag at nag-aalok ng rewards o discounts lalo na kung kaduda-duda ang cellphone number.