MAKATUTULONG ang Public Utility Vehicle Modernization Program (PUVMP) ng pamahalaan para maresolba ang problema sa trapiko.
Ito ang sinabi ni Liga ng Transportasyon at Operator ng Pilipinas (LTOP) National President Orlando Marquez.
Ani Marquez, ito ay kahalintulad aniya sa modernization na ginawa ng Singapore na nakaresolba sa kanilang problema sa trapiko.
Bukod pa dito, magbibigay rin aniya ng kaginhawahan sa mga commuter na mga manggagawang Pilipino ang modernisasyon ng mga PUV.
Ipinunto pa ni Marquez na maaari ding makagawa ng sariling sasakyan ang Pilipinas na maibebenta sa ibang bansa.