SUSPENDIDO si Raymond Almazan ng Meralco Bolts dahil sa tangka nitong panunuhol umano nito sa isang traffic officer nang ilegal itong dumaan sa EDSA busway.
Ayon sa PBA, malinaw na hindi nito nasunod ang PBA uniform player’s contract kung saan nakasaad dito ang maging masunurin sa batas at magkaroon ng mabuting asal.
Sa panig ni Almazan, posibleng na-misinterpret lang ng traffic enforcers ang sitwasyon nang bigyan siya ng asawa niya ng pera.
Tanging layunin lang aniya ang mai-settle ang multa para sa traffic violation.