Relasyon ng Pilipinas at Amerika, buo pa rin sa kabila ng pagbawi ng suporta ng US sa Ukraine —PH Navy official

Relasyon ng Pilipinas at Amerika, buo pa rin sa kabila ng pagbawi ng suporta ng US sa Ukraine —PH Navy official

IPINAG-UTOS ni US President Donald Trump na itigil na ang pagbibigay ng military aid sa bansang Ukraine. Ito’y sa kabila ng nagpapatuloy na giyera sa pagitan ng Ukraine at Russia.

Ang nasabing kautusan ay matapos ang nangyaring sagutan ng dalawang lider kamakailan na kung saan binigyang diin ni Ukrainian president Volodymyr Zelenskyy ang kagustuhan nitong ipagpatuloy ang giyera laban sa Russia habang mariin naman itong tinutulan ni President Trump.

Pagkatapos nito, isang summit ang ginawa ng mga lider mula sa Europa para ipahayag ang kanilang kagustuhan na depensahan ang Ukraine.

Ngunit ang tanong, apektado ba ang relasyon ng Pilipinas at Amerika sa hakbang na ito ni Donald Trump?

Sa pulong balitaan sa Camp Aguinaldo araw ng Martes, sinabi ni Rear Admiral Roy Vincent Trinidad, Philippine Navy Spokesperson for the West Philippine Sea, na nananatiling buo ang relasyon ng Amerika at Pilipinas.

“So far as Philippines is concerned our people to people relationship our military to military and both other activities between the US and the Philippines are very strong and intact,” ayon kay RAdm. Roy Vincent Trinidad, Spokesperson, Philippine Navy for the West Philippine Sea.

Follow SMNI NEWS on Twitter