Rep. Pulong Duterte binatikos ang panawagan ni Gibo na magbitiw ang mga opisyal na may ibang pananaw sa WPS

Rep. Pulong Duterte binatikos ang panawagan ni Gibo na magbitiw ang mga opisyal na may ibang pananaw sa WPS

Binatikos ni Davao City Rep. Paolo “Pulong” Duterte ang panawagan ni Defense Secretary Gilberto Teodoro Jr. na dapat magbitiw sa puwesto ang mga halal na opisyal na may ibang pananaw sa usapin ng West Philippine Sea (WPS).

Ayon kay Duterte, ang mga opisyal ay iniluklok sa puwesto ng taumbayan at kung may ebidensiya ng pagtataksil sa bayan ay dapat itong idaan sa tamang proseso at pagsasampa ng kaso.

Iginiit din niya na ang pagiging makabayan ay hindi nasusukat sa political labels at sinabi na tungkulin ng Defense Secretary ang palakasin ang depensa ng bansa, hindi ang husgahan ang mga halal na opisyal.

Hinamon din ni Duterte si Teodoro na magbitiw sa puwesto kung naniniwala itong dapat mag-resign ang mga may ibang pananaw sa isyu.

Follow SMNI NEWS in Twitter