Russian supersonic bomber, wasak sa Ukrainian drone strike

Russian supersonic bomber, wasak sa Ukrainian drone strike

WASAK ang Russian long-range bomber na Tupolev TU-22 matapos itong tamaan ng drone ng Ukraine sa Soltsy-2 Airbase sa St. Petersburg.

Ang nawasak na Russian TU-22 ay may kakayahang mag-travel ng dalawang beses na kasing bilis ng sound at ginagamit ng Russia sa pag-atake sa mga siyudad ng Ukraine.

Agad naman sinuspinde ang mga flight sa tatlong airport sa Moscow habang ang dalawang international airport sa Sheremetyevo at Domodedovo ay nanatiling bukas.

Nangyari ang pag-atake sa Moscow noong Sabado.

Ayon sa ulat, isang eroplano ang nasira at wala naman naitalang nasawi o nasugatan sa pagsabog.

Follow SMNI NEWS on Twitter