Sampung PBA players, sinuspinde

Sampung PBA players, sinuspinde

SUPENDIDO ngayon ang sampung Philippine Basketball Association (PBA) players.

Ito ay matapos makisali sa iba’t ibang laro sa labas ng liga nang hindi nagpapaalam.

Kabilang sa mga sinuspinde ay sina Jio Jalalon ng Magnolia, Beau Belga, Rey Nambatac at Jhonard Clarito ng Rain or Shine; at JR Quinahan ng NLEX.

Kasama rin si Vic Manuel at Allyn Bulanadi ng San Miguel Beermen; Alec Stockton at Barkley Ebona ng Converge; at Arwind Santos ng Northport.

Naglabas na rin ng kaukulang multa si PBA Commissioner Willie Marcial at ipinaalala sa mga players ang kanilang responsibilidad sa kinabibilangang liga.

 

Follow SMNI NEWS in Twitter