PALALAKASIN ng susunod na pamunuan ng Department of National Defense (DND) ang kapabilidad ng Sandatahang Lakas ng Pilipinas.
Ito ang tiniyak ni incoming Defense OIC Jose Faustino Jr. bilang bahagi ng AFP Modernization Program.
Ayon kay Faustino, nasa third horizon na ang programa at nais niyang mapalakas ang territorial o external defense capability ng militar.
Maliban dito, tututukan din ng opisyal ang epekto ng climate change, natural disasters, terorismo, at law enforcement kontra kriminalidad at iligal na droga sa bansa.
Tiniyak din ni Faustino ang suporta niya sa matatagumpay na programa sa pamamagitan ng peace agreement sa MILF at MNLF.
Si Faustino ay magsisilbi bilang senior undersecretary at OIC ng DND hanggang sa pag-upo bilang kalihim sa Nobyembre 13, 2022.
Ito ay dahil sa umiiral na isang taong ban sa pagtatalaga ng mga nagretirong opisyal ng militar sa gobyerno.