Sara Duterte, nais makatambal ni Imee Marcos para sa 2022 eleksyon

Sara Duterte, nais makatambal ni Imee Marcos para sa 2022 eleksyon

NAIS makatambal sa 2022 National Election ni Senator Imee Marcos si Davao City Mayor Sara Duterte bilang bise presidente nito.

 

Ito ang binahagi ni Pangulong Rodrigo Roa Duterte sa kanyang Talk to The People, Martes ng umaga August 31, 2021.

Ayon sa Presidente, pinupuntahan ni Senator Imee Si Mayor Sara sa Davao, na sakali mang tutuloy ito sa pagtabko bilang presidente, ay nais aniya  nitong maging bise presidente.

 

Sinabi naman ng Pangulo na malabong matupad ang kagustuhan ng senadora na makatambal ang kanyang anak.

 

“Eh hindi naman tatakbo, sabi niya. Sabi ni Mayor Sara Duterte eh hindi siya magtakbo,” ani PRRD.

 

Matatandaang nagpahayag din si dating Senador Ferdinand “Bong Bong” Marcos na tatakbo ito sa darating na eleksyon at una na rin itong nagpahayag na nais din maging bise presidente si Mayor Sara.

 

Samantala, nabanggit muli ni Pangulong Duterte na tuloy ang pagtakbo nito bilang bise presidente upang maipagpatuloy ang pagsugpo sa iligal na droga at korapsyon. Sinisiguro naman ng pangulo na hindi na muling mananalo ang oposisyon  na mas kilalang Otso Diretso.

 

SMNI NEWS