SB19 handog sa A’TIN ang ‘Wakas at Simula: The Trilogy Concert Finale’

SB19 handog sa A’TIN ang ‘Wakas at Simula: The Trilogy Concert Finale’

Dinagsa ng libo-libong A’TIN ang SMDC Festival Grounds noong Abril 18 para saksihan ang pinaka-engrandeng pagtatapos ng Simula at Wakas tour ng SB19 na nagsilbi ring selebrasyon ng kanilang 8 years sa music industry.

Sa opening pa lang, matindi na ang hiyawan ng fans nang lumabas sina Pablo, Stell, Ken, Josh, at Justin sa kanilang performance ng “DAM,” na sinundan agad ng “What?” at “GENTO,” na talaga namang nagpasiklab sa crowd.

Nakasama rin nila on-stage ang Japanese boy group na BE:FIRST at hindi rin nagpahuli ang iba pang special guests tulad ng choreographer na si Jay Roncevalles, at ang newest girl group sa ilalim ng 1Z Entertainment—ang XONARA, na agad namang nagpakitang-gilas sa kanilang single na “Tabi.”

Bagama’t wala pang full world tour announcement, nakatakda namang magtanghal ang SB19 sa iba’t ibang bahagi ng North America, Europe, at Middle East ngayong taon at isa rin sila sa first-ever all-Filipino act na magpe-perform sa Lollapalooza sa Chicago, USA—patunay ng patuloy na pag-angat ng Kings of P-pop sa international stage.

Follow SMNI NEWS in Twitter