Solicitor General Berberabe ginisa ni Leonen kaugnay sa pagpapalabas ng SARO

Solicitor General Berberabe ginisa ni Leonen kaugnay sa pagpapalabas ng SARO

Ginisa ni Senior Associate Justice Marvic Leonen si Solicitor General Darlene Berberabe sa nagpapatuloy na oral arguments patungkol sa unprogrammed funds ng 2024, 2025, at 2026 General Appropriations Act (GAA).

Unang pinagtuunan sa pagdinig ang usapin ng budget expenditures and sources of financing (BESF) at ang unprogrammed appropriations, kung saan tinutukoy kung legal at malinaw ba ang pagkuha at paggamit ng pondo ng pamahalaan.

Tinanong din ni Leonen kung may posibleng prayoritisasyon sa paglalabas ng pondo sa unprogrammed appropriations kumpara sa programmed funds na nasa ilalim ng pambansang badyet.

Samantala, sinabi naman ni Leonen na tila nilabag ng Department of Budget and Management (DBM) ang batas matapos sabihin ni Berberabe na walang kinalaman ang pangulo sa pagpapalabas ng SARO.

Follow SMNI NEWS in Twitter