VIRAL ang isang larawan na naka-post sa Facebook Page ng Angat Buhay Foundation ni dating Vice President Leni Robredo na isang non-government organization (NGO).
Ngunit ayon kay DSWD Secretary Erwin Tulfo, bawal na bawal ang pagbigay ang ayuda mula sa gobyerno at idadaan sa mga NGO ang pamamahagi.
“No, bawal yun eh. Yung DSWD it’s from the government ta’s ibibigay mo sa NGO para ibigay sa mga tao. The case is an SOP galing sa government diretso mo sa tao through the local government units,” paglilinaw ni Tulfo.
Pinaliwanag naman ni Tulfo ang papel ng NGO kung sakaling magboluntaryong tumulong.
“Ang role lang ng NGO kung saka-sakali mag-volunteer siya na Secretary meron akong speedboat kailangan mong dalhin sa island na yun wala kang speed boat sige po ipagamit ko po itong speedboat ko o ipagamit ko yung lantsa ko o ipagamit ko itong eroplano ko o trak- 4×4 hindi po kayo makatawid sa bundok isakay mo po dito sa trak ko para maihatid ko doon. Yun ho pu-pwede. Pero ito yung ayuda ikaw ang mag-distribute no. That’s not the case,” ani Tulfo.
Nang mag-viral ang larawan na umani ng mga kritisismo ay agad pinaimbestigahan ni Tulfo ang litrato sa kanilang field office.
“After four hours the regional director came to back to me. Sir, hindi po natin warehouse ‘yan. Warehouse po ‘yan ng Ifugao LGU nilagay po natin. Di po ba may instruction kayo na ipo-position so nilagay niya na po diyan sa warehouse niya. Eh wala po siyang mapaglagyan na iba so ‘yung iba pang mga donations doon niya na rin sinasama. So actually hindi lang naman ang Angat Buhay ang meron siya doon. Meron na iba pa na mga residente o mga locals na nag-donate,” paliwanag ni Tulfo.
May paalala naman si Tulfo sa mga LGU na gagamitin ang ayuda sa pamumulitika.
“Huwag ho ganon kasi pwede ho kayong makasuhan ng graft and corruption for doing that. Eh niloloko niyo ho ang gobyerno, yung national government in your advancement sa inyo pong political career bawal ho ‘yan,” ayon pa ni Tulfo.
BASAHIN: DSWD, nilinaw na direktang LGU binibigay ang relief goods at hindi sa NGO