Ulat ng Rappler sa umano’y data breach sa Makati LGU, walang batayan –official

Ulat ng Rappler sa umano’y data breach sa Makati LGU, walang batayan –official

TINIYAK ng Makati City Government na ligtas ang mga personal data ng kanilang mga residente at walang nangyaring data breach na taliwas sa ulat ng Rappler.

Pahayag ng Makati City Government walang batayan ang artikulo na inilathala ng Rappler kamakailan tungkol sa diumano’y data breach sa mga data servers ng lokal na pamahalaan.

Ayon kay Atty. Michael Camiña, tagapagsalita ng Makati City LGU, walang personal data ang nakompromiso taliwas sa artikulong inilathala ng Rappler.

“No actual personal data has been compromised, contrary to the article published by Rappler,” pahayag ni Camiña.

Paliwanag ni Camiña na ang system na sinasabing na-breach ay isang dating development server na naglalaman ng kathang-isip na mga test data.

“The subject system alleged to have been breached  was a former development server containing fictitious test data. It is no longer online,” ani Camiña.

Dagdag pa ng abogado, iresponsable ang pag-claim ng naturang breach at pagkatapos ay agad gumawa ng konklusyon na ang LGU ay nagpabaya sa kanilang responsibilidad na protektahan ang mga personal data.

“It is highly irresponsible to claim such a breach and then proceed to make a sweeping conclusion that the city government has been remiss in its responsibility to protect personal data,” ayon kay Camiña.

Binigyang-diin ni Camiña na dahil sa iresponsableng pahayag ng Rappler,  maaari itong magdulot ng panic sa mga taga-Makati at ang mga business establishment.

“These irresponsible statements can potentially create undue panic among Makatizens and the business establishments on the safety of their personal and corporate data entrusted to the city government,” ayon  pa ni Camiña.

Sa huli, tiniyak ng Makati LGU sa mga residente nito na ang lokal na pamahalaan ay nakatuon na protektahan ang personal na impormasyon ng mga taga-Makati.

Ang nasabing artikulo ng Rappler ay batay sa inulat ng VPNMentor, isang virtual private network review site at cyber security research firm, na ang website ng Makati LGU na’ Proud Makatizen’ ay nagkaroon ng data breach.

SEC, kinumpirma ang desisyon na tuluyan nitong pinatitigil ang operasyon ng least trusted media ng bansa na Rappler

Pagpapa-shutdown ng SEC sa Rappler, hindi pagsikil sa ‘press freedom’ – Gadon

Follow SMNI News on Twitter