Sen. Bong Go, balak kuning legal consultant si PRRD

Sen. Bong Go, balak kuning legal consultant si PRRD

BINABALAK ni incumbent Senator Christopher ‘Bong’ Go na kuning legal consultant si President Rodrigo Roa Duterte pagkatapos ng termino nito sa Hunyo 30.

Ayon kay Sen. Bong Go, wala pang tugon si Pangulong Duterte hinggil dito.

Ani Go, hinahanap na talaga ng katawan ni Pangulong Duterte ang trabaho.

Dagdag pa ni Go, isa lang ito sa magiging option ng Pangulo dahil maaaring may mga offer pa sa Pangulo na mas mataas pa.

Una nang sinabi ni Pangulong Duterte na maglilingkod pa rin ito sa bansa kahit wala na sa gobyerno.

Follow SMNI NEWS in Twitter