NAIS ni Senator Christopher “Bong” Go na paigtingin ng pamahalaan ang kampanya laban sa agricultural smuggling upang mahuli na ang mga nasa likod ng artificial price increase.
Ito ang nakikitang solusyon ng senador sa mataas na presyo ng asukal at iba pang agricultural products tulad ng sibuyas.
Ginawa ng senador ang pahayag kasunod sa rekomendasyon ng board ng Sugar Regulatory Authority (SRA) kay Pangulong Ferdinand “Bongbong” Marcos, Jr. na siya ring kalihim ng Department of Agriculture (DA), ang pag-import ng 440,000 metriko toneladang asukal.
Ayon kasi sa ilang grupo ng mga magsasaka, hindi naibababa ng importasyon ang presyo ng asukal sa merkado.
Ipinunto ni Sen Go, posible rin kasi na artificial lamang ang mataas na presyo ng mga agricultural products dahil sa pananamantala ng mga traders at importers.
“Baka naman nagkaroon lamang ng artificial shortage para pagsamantalahan ang… Sila po unahin natin, yung kapakanan nila,” ani Sen. Go.
Matatandaan, inilabas na sa Senado ang committee report kaugnay sa tumataas na presyo ng sibuyas sa bansa at nakapaloob dito ang pagrekomenda ng hakbang laban sa agricultural smuggling.
Inirekomenda ng Senate Committee on Agriculture, Food and Agrarian Reform kung saan chairperson si Senator Cynthia A. Villar ang pagbuo ng Anti-Agricultural Smuggling Task Force at special court para tutukan ang smuggling ng agricultural products.
Inirekomenda sa Senado ang digitalization ng mga transaksyon sa Customs upang maging mas mahigpit ang laban sa agriculture smuggling.
“Para nga sa akin pag na confiscate ang mga ito… Ibigay na lang sa mga mahihirap,” ayon pa kay Go.