Sen. Imee Marcos sa pag-aresto kay PRRD: Gulo lang ang dulot nito

Sen. Imee Marcos sa pag-aresto kay PRRD: Gulo lang ang dulot nito

NANINIWALA ang kapatid ni Bongbong Marcos Jr., na si Sen. Imee Marcos na gulo lang ang dulot sa pag-aresto sa dating pangulo ng Pilipinas na si dating Pangulong Rodrigo Roa Duterte.

Sinabi ng senadora na bilang isang kaibigan naawa siya kay PRRD dahil matanda na ito.

“Ang sa akin kasi, hindi na tayo natuto, gulo lang ang dulot nito. Walang pakinabang sa mga naghihirap sa bayan ang bangayan ng politika,” pahayag ni Sen. Imee Marcos.

Hindi umano gumanda ang buhay ng mga Pilipino sa pamumulitika, hindi umasenso, hindi yumaman, at hindi sumaya ang taumbayan.

Follow SMNI NEWS in Twitter

Follow SMNI News on Rumble