PH citizenship application ni Russian skater Alexander Korovin, inaprubahan ng Kamara

PH citizenship application ni Russian skater Alexander Korovin, inaprubahan ng Kamara

INAPRUBAHAN ng Kamara sa ikatlong pagbasa ang aplikasyon ng Russian figure skater na si Alexander Korovin para sa Philippine citizenship.

Si Korovin ay skating partner ng Pinay na si Ysabella Gomez.

Sinabi na noon pa ng Russian skater na ibibigay niya ang lahat tuwing irepresenta ang Pilipinas sa iba’t ibang events.

Aniya pa, maganda rin na magkaroon ng training para sa mga kabataang Pinoy dahil nakikita aniya na marami ang interesado nito sa bansa.

Kung matatandaan, simula taong 2021 ay nakailang awards na ang dalawa sa iba’t ibang international competitions.

 

Follow SMNI NEWS in Twitter

Follow SMNI News on Rumble