Sen. Tulfo, gustong taasan ang sahod ng media practitioners na nagtatrabaho sa gobyerno

Sen. Tulfo, gustong taasan ang sahod ng media practitioners na nagtatrabaho sa gobyerno

HINIKAYAT ni Senator “Idol” Raffy Tulfo ang Office of the Press Secretary na taasan ang sahod ng mga mamamahayag at manunulat na nagtatrabaho sa sariling media networks ng gobyerno.

Ito ang sinabi ng senador sa kasagsagan ng organizational meeting ng Committee on Public Information and Mass Media.

Saad pa ni Sen. Tulfo, dapat ding agad na maproseso ng gobyerno ang mga overdue at hindi pa nababayarang mga sahod at benepisyo ng mga state-employed media practitioner lalo na ang mga nagtatrabaho sa PTV 4.

Paliwanag ni Tulfo, ang mga media practitioner ng gobyerno ay ang mga frontline worker pagdating sa pagbibigay ng impormasyon kaya dapat sapat ang binibigay na bayad sa mga ito.

Aniya, kailangan ito upang makapag-trabaho rin nang mabuti ang mga media practitioner.

Sang-ayon naman si Press Secretary Trixie Cruz-Angeles sa panukalang ito ni Tulfo.

 

Follow SMNI News on Twitter