Senador Go, muling ipinanawagan ang pagbuo ng Department of OFWs

AYAW makita ni Senador Christopher Bong Go ang mga overseas Filipino workers (OFWs) na inaabuso.

Ito ang mariing  pahayag ng senador matapos na makarating sa kanya ang report na isa na namang  Pinay ang na-recruit patungong  Dubai pero kalaunan ay dinala sa Syria at ibinenta.

Kaugnay nito, sinabi ni Bong Go na hindi na dapat pang hintayin na maraming  OFWs pa ang humingi ng tulong matapos maabuso sa ibang bansa bago sila gawing prayoridad ng pamahalaan.

Matatandaan na isinusulong ni Go ang pagtatatag ng Department of OFW para mayroong cabinet-level na tututok sa kapakanan ng mga Pinoy sa ibang bansa upang hindi na magpalipat-lipat ng mga ahensiyang lalapitan ang mga distressed OFW at kanilang pamilya.

Giit ni Go, bagong bayani ituring ang mga OFW pero hindi naman natututukan ang kapakanan ng mga ito.

Sa kabilang banda, nanawagan si Go sa mga Pilipino na gustong magtrabaho sa abroad na huwag hayaang maloko sila ng mga taong nagsasabing puwedeng gamitin sa pagtatrabaho sa ibang bansa ang mga tourist o visit visa.

Dapat aniyang dumaan sa tamang proseso kung gusto ng maayos na trabaho.

Una nang nakarating kay Go ang mga insidente ng pang-aabuso sa ilang  Pilipina sa Syria na naloko ng mga recruiter na nagagawang ipahamak ang kanilang sariling kababayan para lamang kumita ng  maliit na halaga.

SMNI NEWS