Seventeen, inanunsiyo na ang schedules ng magiging encore ng kanilang “Follow” tour   

Seventeen, inanunsiyo na ang schedules ng magiging encore ng kanilang “Follow” tour  

MAGSISIMULA ngayong Marso ang encore ng “Follow” Asia tour ng K-pop boy group na Seventeen.

Ang magiging encore ay may pamagat na “Follow Again” tour batay sa anunsiyo ng kanilang talent agency na Pledis Entertainment.

Ayon sa PLEDIS, ang encore ay magsisilbing token ng grupo sa kanilang fans na kung tawagin ay Carats dahil sa walang sawang pagsuporta sa kanila.

Kung matatandaan, Hulyo 21, 2023 sa Gocheok Sky Dome, Seoul, South Korea ang naging kick-off ng kanilang “Follow” tour.

Sa magiging encore, gaganapin naman ang concert sa Incheon Asiad Main Stadium sa South Korea ngayong Marso 30 at 31; sa Yanmar Stadium Nagai, Osaka, Japan sa Mayo 18 at 19; habang Mayo 25 at 26 sa Nissan Stadium, Yokohama, Japan.

Samantala, noong Enero 13 at 14 ang Manila leg ng kanilang “Follow” tour at ginanap ito sa Philippine Sports Stadium.

 

Follow SMNI NEWS in Twitter

Follow SMNI News on Rumble