Sexy actress, sinampahan ng kasong kriminal dahil sa malaswang content

Sexy actress, sinampahan ng kasong kriminal dahil sa malaswang content

SINAMPAHAN ng anim na counts ng kasong kriminal ang Filipino-Korean sexy actress na si Angeli Khang.

Ayon sa advocacy group na Kapisanan ng Social Media Broadcasters ng Pilipinas (KSMBP), kinasuhan nila si Khang dahil sa malalaswang content na naka-post sa kaniyang verified Facebook account.

Saad ng abogado ng grupo na si Atty. Mark Tolentino, hindi lang isa kundi maraming ‘lewd contents’ ang nakita nila sa social media accounts ng akusado na dulot ay masamang impluwensiya sa mga kabataan.

Diin din ng grupo, walang puwang sa makabagong panahon ang maling paggamit sa social media platforms para mag-promote ng kalaswaan sa mga kabataan lalo na’t may ‘easy access’ ang mga ito sa cellphone para manood ng mga content sa internet.

Nanawagan naman ang grupo sa silent majority ng mga Pilipino na tumindig laban sa tinawag nilang ‘moral decay’ at ‘anarchy’ sa social media.

“We are appealing to the members of our country’s silent majority to WAKE-UP and join our CRUSADE vs moral decay and anarchy in social media,” saad ng KSMBP.

Wala pang pahayag ang kampo ng akusado.

Mananatiling bukas ang SMNI News sa parehong panig ng complainants at akusado.

Follow SMNI NEWS on Twitter