BITBIT ang search warrant at matataas na kalibre ng baril, sinalakay ng mga operating unit ng pinagsanib na pwersa ng PDEA RO-NCR Southern District, PDEA IS, PDEA RSET 1 & 2, PDEA SIU, PDEA SES, at iba pang drug low enforcement unit sa pakikipag-ugnayan sa SPD DID, SPD DDEU, Muntinlupa CPS ang isa sa lugar sa Ayala Alabang Muntinlupa City.
Batay sa eksklusibong report ng SMNI News, isinagawa ang operation ng alas 12:30 ng madaling araw, Nobyembre 18, 2022 sa No. 304 Mabolo Street, Ayala Alabang Village, Muntinlupa City.
Kinilala ni PDEA DDGO OIC Asec Gregorio R. Pimentel ang mga naarestong personalidad na sina Aurelien Cythere, 41 ng 304 Mabolo Street, Ayala Alabang Village, Muntinlupa City, Mark Anthony Sarayot y Ravelo, 42 ng 23 Cabbage Street, Valley 5, Brgy. Ugong, Pasig City.
Ayon kay OIC Asec. Pimentel, ang mga nakumpiskang bahagi ng ebidensya ay nasa 20 kilo ng hinihinalang shabu na nagkakahalaga ng Php 136M, iba’t ibang CPEC at kagamitan sa laboratoryo, ilang ID, 3 cellphone, at mga dokumento.
Ang 2 naarestong suspek ay kasalukuyang nasa costody ng PDEA Jail Facility at isinasailalim sa masusing imbestigasyon ng PDEA.