Show-cause order kay Panelo Jr., sasagutin hanggang ngayong araw

Show-cause order kay Panelo Jr., sasagutin hanggang ngayong araw

Binigyan hanggang ngayong Lunes, Nobyembre 23, si Atty. Paolo Panelo, Jr., tagapagsalita ni Vice President Sara Duterte, upang sumagot sa show-cause order ng Senate impeachment court.

Binigyan hanggang ngayong Lunes, Nobyembre 23, si Paolo Panelo, tagapagsalita ni Vice President Sara Duterte, upang sumagot sa show-cause order ng Senate impeachment court.

Iniuugnay ang kautusan sa mga pahayag ni Panelo na kinukuwestiyon ang pagiging impartial ng ilang senator-judges sa impeachment trial ni Duterte.

Ayon kay Senate Impeachment Court Clerk Renato Bantug, ipinadala kay Panelo sa pamamagitan ng email ang show-cause order noong Nobyembre 20.

Nauna namang inihain ni Senator-judge Erwin Tulfo ang usapin matapos akusahan ni Panelo ang ilang senador na umaakto umanong prosecutors sa paglilitis.

Iginiit ni Panelo na protektado ng kaniyang constitutional right to free speech ang kaniyang mga pahayag.

Sinabi rin niyang handa siyang patunayan na ginawa niya ang mga ito nang may mabuting hangarin at hindi upang hadlangan ang proseso ng hustisya.

Follow SMNI NEWS in Twitter