Itinanggi ng Office of the Vice President (OVP) ang anumang kaugnayan ng tree-planting campaign nito sa tree-planting requirement ng Board of Investments (BOI) para sa CALE88 Foods Corporation upang makakuha ng mga insentibo.
Ayon sa OVP, walang katotohanan ang mga alegasyong iniuugnay ang kampanyang “Pagbabago: A Million Trees Campaign” ni Vice President Sara Duterte sa naturang kompanya.
Nilinaw rin ng tanggapan na isa itong independent program na inilunsad noong Marso 27, 2023 bilang suporta sa mga hakbang ng Department of Environment and Natural Resources (DENR) laban sa climate change.
Iniulat ng OVP na umabot na sa 1,386,682 puno ang naitanim sa buong bansa sa pamamagitan ng pakikipagtulungan sa mga ahensiya ng gobyerno at pribadong sektor.
