BUKAS na ang Singapore sa mga dayuhan at sisimulan na ang quarantine-free program matapos makamit ang herd immunity.
Inihayag ng gobyerno ng Singapore na 75 porsyento na ng populasyon ang bakunado kaya sisimulan na nito ang quarantine-free program sa mga dayuhan mula Germany at Brunei.
“We’ve calibrated it tightly in terms of designated flights, but the intention really is to do this well so that we can then scale up. This is a critical process to make sure that all parties understand what is required of them including the travelers, and they’re able to comply and meet the requirements,”ayon kay transport Minister S. Iswaran.
Tatanggalin na rin ang restriksyon ng Singapore sa mga bansang Hong Kong at Macao matapos makamit ang herd immunity.
Simula Setyembre 8, ang mga dayuhan mula Germany at Brunei ay kailangang magpakita ng vaccinated travel pass kasama ang COVID-19 tests tulad ng pre-departure, on arrival, at post-arrival kapalit ng quarantine.
“Essentially we are signaling a path towards reopening. Is it something that is foolproof? We don’t know. But we are doing everything we can to start to forge that path back to restoring travel, restoring connectivity, because that is going to be an essential part of business,”ayon kay Israwan.
Sa Hong Kong at Macao naman kailangan muna nilang manatili ng tatlong linggo sa kanilang bansa at pagdating sa Singapore kung negatibo ang resulta ay hindi na kailangang mag-quarantine.
Matatandaan na sa mga unang hakbang ng bansa ang mga residente lamang na may mga trabaho, at mag-aaral ang pwedeng makapasok rito.
Samantala, ayon naman kay Transport minister S. Iswaran, hindi na ito magtatayo ng air travel bubble mula Singapore papuntang Hong Kong dahil ilang beses na itong nahinto dahil sa matinding kaso ng virus.