MAGANDANG balita para sa mga kostumer ng Meralco, dahil ngayong buwan ng Abril ay mababawasan ng halos piso ang singil sa kuryente ng kompanya sa kada kilowatt hour (kWh) na konsumo.
Ayon sa Meralco, ang naturang bawas-singil ay bunsod ng pagbaba ng generation and transmission charges ng halos 98 sentimos.
Dahil dito, ang mga kumukonsumo ng 200kWh kada buwan ay makakatipid ng halos P200.
Ito naman ang unang pagkakataon na pagbaba sa singil sa kuryente ang Meralco matapos ang tatlong sunud-sunod na buwan na pagpapatupad ng taas-singil.