BrahMos missile isasailalim sa simulation sa Balikatan Exercises

BrahMos missile isasailalim sa simulation sa Balikatan Exercises

Isasailalim sa simulation firing ang BrahMos cruise missile sa maritime strike phase ng Balikatan Exercises na binuksan ngayong linggo.

Ito ay bilang bahagi ng pinakamalaking pagsasanay pang militar ng mga magka-alyadong bansa.

Ang BrahMos ay isang shore-based supersonic anti-ship missile na binili ng Pilipinas mula sa India noong 2022, na may saklaw na 290 kilometro at kayang umabot ng Mach 2.8, na ginagamit para palakasin ang depensa sa West Philippine Sea.

Sa nasabing simulation, i-aactivate ang lahat ng sensors at fire control system ng missile ngunit walang aktuwal na pagpapaputok na magaganap.

Kasabay nito ang live-fire maritime strike na gagamit ng ibang puwersa laban sa decommissioned na sasakyang pandagat.

Kabilang sa ehersisyo ang higit 17,000 sundalo mula sa United States at iba pang bansa.

Follow SMNI NEWS in Twitter