Sonshine Philippines Movement volunteers, tumulong sa paglilinis ng mga kanal sa kabila ng pag-ulan

Sonshine Philippines Movement volunteers, tumulong sa paglilinis ng mga kanal sa kabila ng pag-ulan

HINDI na bago pa sa mga napaka-aktibong boluntaryo ng Kalinisan: Tatag ng Bayan Clean-up Drive sa Lungsod ng Davao dahil bahagi na ito ng kanilang linggo-linggong routine.

Bukod sa nakakatulong sila sa kalikasan, nagiging routine na nila ito ng pag-eehersisyo.

Kaya naman bago pa magsimula ang clean-up drive, may konting stretching ang volunteers bago sumabak sa masusing paglilinis sa Toril Poblacion, Toril, Davao City.

Maulan, ngunit walang nagpapatinag.

May mga tumulong sa pagputol ng mga malalaking damo at kahoy sa tabing daan at maging mismo sa mga kanal. Maliban kasi sa mga basura nakakabara din ang mga damo at kahoy sa mga kanal.

Siyempre, dapat naka-safety gear ang mga boluntaryo para makaiwas sa sakit. Bawal lumusong sa baba ng mga imburnal ang may mga sugat kasi baka ma-impeksiyon.

Kasama ngayong Sabado sa paglilinis ang constituents ng barangay, coast guard, at ibang parallel groups.

Inihayag ng mga opisyales sa barangay na madalas ang mga basura sa drainages nila ay mula sa mga dumadaan sa kanilang kalsada.

Kaya nagpapasalamat sila dahil tumulong ang Sonshine Philippines Movement na inisyatibo ni Pastor Apollo C. Quiboloy dahil aminado sila na hindi kaya ng barangay lang ang paglilinis dito.

Dahil ang kanilang mga barangay maintenance unit ay pawang mga senior citizen na. Ang ilan nga, nagkaroon ng impeksiyon dahil sa paglilinis ng mga kanal.

Bagamat may iba’t ibang paninindigan sa politika at paniniwala, ipinapakita ng mga boluntaryo na sa harap ng mas malaking layunin, maaaring magkaisa ang lahat.

Follow SMNI NEWS in Twitter

Follow SMNI News on Rumble