South Korea, naghahangad ng mas malapit na ugnayang pang-ekonomiya sa Latin America

South Korea, naghahangad ng mas malapit na ugnayang pang-ekonomiya sa Latin America

NAGHAHANGAD ang South Korea ng mas matibay na ugnayang pang-ekonomiya sa Latin America.

Iminungkahi ni South Korean Foreign Minister Park Jin na ipagpapatuloy ang pag-uusap sa free trade sa Mexico, habang hinahangad ng gobyerno na palakasin ang ugnayan ng bansa sa South America.

Nakipagpulong si Park sa kanyang Mexican counterpart na si Marcelo Ebrard sa Seoul noong Lunes upang talakayin ang pagpapabuti ng bilateral na ugnayan at pagpapataas ng kooperasyon sa iba’t ibang sektor.

Sa kanilang unang bilateral talk, iminungkahi ng Korean Minister na ipagpapatuloy ng dalawang bansa ang negosasyon para sa free trade agreement, kung saan ang diskusyon ay natigil mula noong 2008.

Sa presidential summit ng dalawang bansa noong 2016, ang mga pinuno noon ay sumang-ayon na simulan muli ang negosasyon.

Samantala, nilagdaan ng South Korea ang Strategic Economic Complementation Agreement sa Mexico at Ecuador.

Bukod sa negosasyon sa Mexico, ang South Korea ay nakikipag-talakayan din para sa trade agreement sa Mercosur, isang regional trade bloc ng Brazil, Argentina, Paraguay at Uruguay.

Follow SMNI News on Twitter