State-of-the-art satellite data communication systems, ipagkakaloob ng Japan sa PCG

State-of-the-art satellite data communication systems, ipagkakaloob ng Japan sa PCG

SA ilalim ng kasunduan o “exchange of notes” sa pagitan nina Ambassador of Japan in the Philippines Koshikawa Kazuhiko at Department of Foreign Affairs (DFA) Secretary Enrique Manalo, nilagdaan ng dalawa ang pagkakaloob ng Japan ng bagong mga state-of-the-art satellite data communication systems para sa mga barko ng Philippine Coast Guard (PCG).

Partikular na makikinabang rito ang dalawang 97-meter MRRV at 10 44-meter MRRV ng PCG na gawang Japan.

Ang nasabing grant ay nagkakahalaga ng 11-B yen o P432-M sa ilalim ng Japan’s Official Development Assistance.

Inaasahan na makatutulong ang mga kagamitang ito sa mas epektibong pagganap ng Coast Guard sa kanilang tungkulin bilang bantay-dagat partikular na sa pagtatanggol sa maritime domain ng bansa.

Sinaksihan ang seremonya nina Department of Transportation (DOTr) Assistant Secretary for Planning and Development Leonel Cray de Velez at PCG Deputy Commandant for Operations, CG Vice Admiral Rolando Lizor Punzalan Jr.

Follow SMNI NEWS on Twitter