MULING iginiit ng Department of Information and Communications Technology (DICT) na ligtas ang mga datos at ibinibigay na personal information sa SIM registration.
Ang SIM Card Registration ay mahigpit na sumusunod sa Data Privacy Act ng 2012.
Ibig sabihin, binibigyang proteksiyon ng batas ang datos at personal na impormasyon ng bawat subscriber.
Matatandaan na nagkaroon ng pangamba ang publiko sa SIM registration na maaaring makompromiso ang kanilang mga personal na impormasyon.
Pagtitiyak pa ni DICT Sec. Ivan Uy na sumusunod ang mga telcos sa mga alituntunin sa SIM registration.
Sa pinakahuling datos mula sa NTC as of March 14, umabot na sa 45.2 milyon ang bilang ng mga subscriber na nakapagparehistro na katumbas ng 26.75% ng kabuuang bilang ng subscriber sa buong bansa.