HINDI muna maglalaro sa 2024 professional tour si Surfing World Champion Filipe Toledo para magpahinga ng isang taon.
Ayon kay Toledo, bibigyan muna nito ang kaniyang sarili ng mental health break makalipas ang kompetisyon nitong nasalihan.
Malaking hamon para sa kaniya ang pagkakaroon ng mental health issue maging ang natamo nitong physical injuries.
Kilala ang 28-taong gulang na si Toledo bilang fastest surfer sa buong mundo.
Siya rin ang leading member ng Brazilian Storm mula sa South America na nagkamit ng tagumpay sa men’s championships.