MAGBIBIGAY ng skills training sa mga napalayang persons deprived of liberty (PDLs) ang Technical Education and Skills Development Authority (TESDA).
Nitong Nobyembre 15, 2024 nang nilagdaan ng TESDA at Department of Justice (DOJ) ang isang memorandum of agreement hinggil dito.
Sa panig ng DOJ, sila ang magsasagawa ng screening sa magiging qualified beneficiaries ng MOA sa pagitan ng TESDA.
Tinitingnan namang main beneficiaries dito ang probationers o ang mga tao na convicted sa isang criminal offense subalit hindi ito ipinakulong at inilagay na lamang sa ilalim ng supervision ng isang probation officer.
Maging ang parolees o ang mga preso na napalaya na mula sa correctional institutions matapos magsilbi ng minimum period ng kanilang sentensiya.
Panghuli ay ang pardonees o mga preso na napalaya sa pamamagitan ng parole o conditional pardon.