Thailand at China, nagsagawa ng Digital Currency Trial

Thailand at China, nagsagawa ng Digital Currency Trial

NAGSAGAWA ang Thailand at China ng Digital Currency Trial para sa cross border payments at settlements.

Kabilang ang bansang Thailand sa mga bansa na maaaring gamitin ang cross border payment na dinevelop ng China.

Nakumpleto na ang Central Bank Digital Currency Trial na magpopokus sa cross border transactions sa China, Thailand, Hong Kong at United Arab Emirates.

Higit 160 cross border payments at foreign exchange transactions na nagkakahalaga ng higit 22 milyong dolyar sa unang trial kabilang ang apat na Central Bank Currency at real value transactions.

Ang development na ito ay kasunod ng pagtaas ng halaga ng dolyar kumpara sa iba pang currency at nagdulot ng capital outflow sa ilang mga negosyo.

Ang Multiple Central Bank Digital Currency bridge test na dinevelop ng BIS ay idinesenyo para maihatid ng real time at sa mas murang halaga ang crosss border payments.

 

Follow SMNI NEWS in Twitter