Thailand, magkakaroon na ng PH Overseas Labor Office

Thailand, magkakaroon na ng PH Overseas Labor Office

MAGKAKAROON na ng Philippine Overseas Labor Office (POLO) ang Thailand.

Kinumpirma ito ni Pangulong Ferdinand “Bongbong” Marcos Jr. sa pagdalo niya sa isang Filipino community event sa naturang bansa.

Sa pamamagitan ng pagkakaroon ng POLO sa Thailand ayon kay Pangulong Marcos ay mas matutugunan pa ang mga pangangailangan ng mga Pilipino na naroon.

Nauna nang sinabi ni Department of Migrant Workers (DMW) Sec. Toots Ople ang pagtatayo ng POLO sa Thailand.

Follow SMNI NEWS in Twitter