Two-third ng Indonesia, apektado ng El Niño

Two-third ng Indonesia, apektado ng El Niño

MAHIGIT sa two-third ng bansang Indonesia kabilang na ang Java, Kalimanta at Sumatra ang apektado ng nararanasang El Niño phenomenon sa naturang bansa.

Umabot na rin sa mahigit 70 porsiyento sa kabuuang populasyon ng Indonesia ang apektado nito.

Apat na buwan na ang nararanasang El Niño sa Indonesia dahilan para maapektuhan na rin ang agrikultura ng bansa dahil sa kawalan ng tubig.

Batay sa datos ng gobyerno, 14 porsiyento ng Gross Domestic Product ng Indonesia ay mula sa agrikultura habang ang ikatlo sa kanilang labor force ay pagsasaka.

Hirap naman ang mga apektadong lugar sa paghahanap ng tubig para sa kanilang pananim maging ng kanilang inuming tubig.

 

Follow SMNI News on Rumble