NAGTIPUN-TIPON ang mga supporter ni Sen. Bong Go sa Romolo Cafe sa may High Street Kensington upang mabigyan ng pagkakataon ang mga kababayan natin na magbigay ng mensahe sa butihing senador.
Maulan at malamig man ang panahon ay nagpaunlak pa rin si Sen. Bong Go ng isang meet and greet dinner meeting sa kaniyang mga taga suporta sa London upang siya ay personal na makasalamuha.
Hindi maitatago ang mga ngiti sa ating mga kababayan na sa wakas ay malapitan nilang nakakadayalogo ang butihing senador.
Pagkatapos mag-dinner ay malayang nakapagtanong ang ating mga kababayan at matiyaga naman itong sinagot isa-isa ni Sen. Go.
Nagkaroon nga ng pagbibiro din ang senador na mahihirapan daw siyang makalimutan ng ating mga kababayan dahil sa pangalan niya na ‘Go’.
Matapos ang question and answer ay nagpasalamat muli ang senador sa pagtitiwala ng mga mamamayang Pilipino at siniguro naman niya na patuloy ang kaniyang serbisyo para sa bawat mamamayang Pilipino saanman siyang dako ng mundo.